Takbo sa Riles
by ~ramendozaMga kaibigan,
Kababayan
Kapamilya't kapuso't
Mga hangal!
May isang pong bangkay
Natagpuan
Sa may riles ng tren banda kung saan
Maraming kumakain.
Dumating ang mga pulis.
Dumating na rin ang hepe,
Na siya namang bagong salsal,
Nagsuka't di nakayanan
Gutay-gutay na katawan
Sa may riles ng tren banda kung saan
Maraming kumakain.
Tinanong ng hepe
"Sinong may sala, sinong may gawa?"
Aksidente po ang nangyari!
Ngunit hindi sumang-ayon
Ang hepeng bagong salsal.
Si Boy RIles - dakpin si Boy Riles!
Anong katibayan
Tanong ng nagmamasid na bayan.
"Dahil ang bangkay ay natagpuan sa riles -
Kaya ang mananagot ay si Boy Riles!"
Sagot ng ating magiting na hepe.
Kaya tong si Riles
Nanakbo't nagtago
Sa kasalanang di ginawa,
Sa hepeng bagong salsal
At sa kahirapan
Ng paninirahan sa tabi ng riles
Kung saan banda maraming kumakain.















--
It took me 2 hours to finish an artwork. It will take a lifetime to be a real artist.
--
i'm not nice; i'm not even the classic-sweet-girl that you think i am. and when you finally get the chance to penetrate my world,you'll find an erotic part of me. and you'll be surprised that i'm jaded & bitter. QUESTION: will you still love me?
--
It doesnt make it better that youre gone
It doesnt ease the pain at all
That youre gone.
- Gone, Urbandub.
--
It took me 2 hours to finish an artwork. It will take a lifetime to be a real artist.
--
My art blog
Click to donate DA points
--
It took me 2 hours to finish an artwork. It will take a lifetime to be a real artist.
--
My art blog
Click to donate DA points